Katulad ng ibang negosyo, may mga maaaring gawin upang maging matagumpay ang iyong mga transaksyon sa forex trading. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng kalakalan ng kopya ng forex Pilipinas sa iyong mga trade. Ito ay isang mabisang paraan upang maging matagumpay ang iyong mga trade.
Subalit, katulad din sa ibang negosyo, mayroon ding mga bagay na dapat at hindi dapat gawin sa industriya ng forex trading. Ito ay impormasyon na mahalaga at dapat alamin, lalo para sa isang baguhan pa lamang sa mundo ng forex trading.
Anu-ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa forex trading? Ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman ang mga ito.
Mga Dapat Gawin:
Dapat ikaw ay may nakahandang plano para sa iyong mga trade.
Kung ikaw ay isang baguhan pa lamang, ito’y isang napakaimportanteng hakbang upang maging matagumpay ang iyong mga trade. Ikaw ay dapat handa at may malalim na kaalaman at pagkakaintindi sa industriyang ito dahil ito ang mga haligi ng matagumpay na mga transaksyon sa forex trading.
Maglaan ng panahon upang masusing mapag-aralan ang galaw ng industriya.
Bago ka sumabak sa industriya ay nararapat lamang na pag-aralan nang mabuti ang industriya at kung paano gumagalaw ang merkado. Dahil ang masusing pag-aaral ay kinakailangan upang maiwasan ang mga pagkakamaling magdulot ng pagkalugi.
Bukod dito, kung malalim ang iyong pagkakaintindi sa kung paano gumagana ang merkado ng salapi ay maaari kang bumuo ng mas maayos na estratehiya sa forex trading.
Isang paraan upang maging matagumpay ang iyong mga trade ay ang pag-aaral nang mabuti sa mga kasalukuyang pattern ng forex trading market gamit ang mga chart at iba pa. Ito ay makakatulong sa isang baguhang forex trader upang lalong maintindihan kung paano gumagana ang forex trading market.
Isaisip ang ratio ng maaring kitain at mawala.
Ito ay dapat gawin bago magsimula ng panibagong trade at siguraduhin na ginagawa ang trade sa panahong nagpapakita ng malaking paglaki o pagbaba ang merkado. Ito ay para maiwasan ang pagkalugi at mawalan ng puhunan.
Magkaroon ng malalim na kaalaman sa Fibonacci Analysis.
Ito ay isang bagay na maaaring makatulong sa isang trader, lalo na sa isang baguhan, upang malaman ang tamang panahon kung kailan dapat lumabas at pumasok sa isang trade. Ito ay dahil nakakatulong ito sa paghula sa mga maaaring maging galaw ng merkado.
Gamitin lahat ng maaaring gamitin upang lalong maintindihan ang industriya.
Isang bagay na maaaring gawin ng isang baguhan ay gamitin ng lahat ng bagay na mayroon siya upang lalong mapalalim ang kanyang kaalaman at pagkakaintindi sa industriya ng forex trading. Lalo na’t marami nang mga kurso online na maaaring pasukin upang lalong maintindihan ang industriya ng forex trading.
Mga Hindi Dapat Gawin:
Magmadali sa mga transaksyon.
Ang isang trader, lalo kung baguhan pa lamang, ay dapat iwasan ang pagmamadali sa mga trade dahil ito ay maaaring maging dahilan ng kanyang pagkalugi. Ikaw ay dapat magkaroon ng mahabang pasensya upang maiwasan ang mga pagkakamali na dulot ng pagmamadali.
Paggawa ng desisyon dahil sa pagmamadali para lamang kumita.
Ito ay mahalaga lalo kung ikaw ay baguhan na trader. Hindi ka dapat magmadali sa iyong mga desisyon para lamang kumita dahil maaari ito maging sanhi ng iyong pagkalugi kung mali ang iyong desisyon. Kung ikaw ay hindi pa nakasisigurado sa maaaring maging resulta, huwag mo munang itaya ang iyong puhunan.
Pagsagawa ng trade sa mga oras na patay ang merkado.
Kahit ang merkado ng forex trading ay hindi natutulog, mayroon pa ring mga panahon na ito ay hindi kasing aktibo kaya hangga’t maaari ay iwasan ito dahil ito ay maaaring magdulot ng pagkalugi.
Gamitin nang buo ang deposit, lalo sa simula.
Ito ay dahil ang maliit na paggalaw ng merkado ay maaari nang maging sanhi ng pagkawala ng iyong puhunan. Bilang isang baguhan, laging tandaan na sapat na halaga lamang ang gamitin upang maiwasan ang pagkalugi.
Pagiging sakim at emosyonal sa mga trade.
Ito ay isang malaking bagay na hindi dapat gawin sa industriyang ito. Ang forex trading ay isang negosyo at dapat iwasan maging emosyonal at sakim sa mga transaksyon lalo’t hindi ito isang bagay na inirerekomenda.
Ang pagpasok sa isang trade na mukhang hindi matatag.
Upang maiwasan ang pagkalugi sa forex trading ay dapat maging maingat sa bawat trade na iyong pinapasok. Kung hindi maganda ang ipinapakita sa mga chart ay iwasan muna ang pakikipagtransaksyon.
Konklusyon
Ang forex trading ay isang industriya na kinakailangan ng pag-iingat at masusing pag-aaral upang maiwasan ang pagkalugi at pagkawala ng iyong puhunan. Ang pagsasapuso ng mga nasabing impormasyon tungkol sa forex trading ay maaaring maging susi sa iyong tagumpay sa industriyang ito.
Latest comments